PINAPA-contempt ng Kamara si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang matapos hindi ito dumalo sa mga hearing hinggil sa isang drug operation sa Pampanga noong 2023.
Sa naging hearing ng House Committee on Dangerous Drugs nitong Hulyo 10, ipinag-utos na ng Kamara sa kanilang sergeant-at-arms na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) para maipatupad na ang arrest order.
Setyembre 2023 nang magkaroon ng buy-bust operation sa isang warehouse sa Pampanga.
Mula rito ay nasabat ang illegal drugs na nagkakahalaga ng P3.6-B.
Batay sa mga hearing, ang kompanyang Empire 999 ang may-ari ng warehouse kung saan nakita ang mga ilegal na droga.
Si Yang ay incorporator ng isang kompanya na may ugnayan sa iba pang kompanya kasali na ang Empire 999.