Excavation activities sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, pansamantalang pinatitigil ng MMDA simula ngayong araw

Excavation activities sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, pansamantalang pinatitigil ng MMDA simula ngayong araw

WALA munang excavation activities sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila simula ngayong araw hanggang sa Enero 6, 2023.

Ito ay dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan at pedestrians ngayong Kapaskuhan.

Kabilang sa pansamantalang ipinatitigil ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang road reblockings, pipe laying, road upgrading, at iba pang excavation works.

Hindi naman sakop ng suspensyon ang flagship projects ng pamahalaan; DPWH bridge repair/construction; flood interceptor catchment project (box culvert); asphalt overlay projects na walang reblocking works; sidewalk  improvement; drainage improvement projects sa bangketa at hindi nasasakop ang kalsada; footbridge projects; emergency leak repair o breakage of water line ng Manila Water at Maynilad water services.

Maging ang mga proyektong gumagamit ng trenchless or horizontal directional drilling method; bagong water service o electrical service connections; road activities na walang paghuhukay; traffic signalization projects; at Meralco relocation works, at iba pa na bibigyang permiso ng MMDA.

 

Follow SMNI News on Twitter