FB at IG, inilunsad ang paid verification service

FB at IG, inilunsad ang paid verification service

SINIMULAN na ng Facebook at Instagram ang kanilang isang linggong rollout para sa kanilang paid verification service.

Ang pilot launching ng paid verification service ay sa Australia at New Zealand nitong Biyernes, February 24 at batay sa anunsiyo, nagkakahalaga ng 11.99 US dollars para sa web.

Nagkakahalaga naman ng 14.99 US dollars ang para sa IOS at android mobile platforms.

Ayon kay Meta CEO Mark Zuckerberg, layunin ng paid verification service ang mapaunlad ang authenticity at security sa platform.

Follow SMNI NEWS in Twitter