MAGBABALIK na sa Premier Volleyball League (PVL) si Tin Tiamzon matapos ang dalawang taong pahinga.
Sa anunsiyo, Cignal HD Spikers ang magiging team ng Fil-Canadian outside hitter at ito na ang kaniyang unang pagbalik aksiyon.
Mula sa nabuwag nang F2 Logistics Cargo Movers si Tiamzon bago nagpahinga sa volleyball noong taong 2023 para makasama ang kanyang pamilya sa British Columbia, Canada.
Welcome advantage naman ito para sa Cignal lalo na’t kaunti na lang ang manlalarong naiwan dito matapos nilisan ng outside hitter na si Ces Molina, middle blocker na si Riri Meneses at opposite hitter na si Jov Fernandez ang koponan.