Filipino community sa California, magpapadala nang pambatong Fil-Am beauty queens para sa Miss Universe PH pageant sa 2024

Filipino community sa California, magpapadala nang pambatong Fil-Am beauty queens para sa Miss Universe PH pageant sa 2024

MAGPAPADALA nang pambatong Fil-Am beauty queens para sa Miss Universe Philippines pageant sa 2024 ang Filipino community sa California.

Sa ilalim ng Miss Philippine California, ang akreditadong partner ng Miss Universe Philippines, apat na kandidata ang kanilang ipadadala sa bansa para sa kompetisyon.

Magiging kinatawan ng Southern California sina Hannah Uyan at Janet Hammond na tubong San Pedro, Laguna.

Representatives naman ng Northern California sina Blessa Figueroa at Kayla Carter na mula sa Talisay, Cebu.

Bukod dito, magpapadala din ang Miss Philippines California ng dalawang pambato sa Miss Philippines Culture and Heritage Celebration para sa Miss Supranational at Miss Charm Competitions.

Follow SMNI NEWS on Twitter