Mayor Inday Sara Duterte, interesado sa Department of National Defense- BBM

Mayor Inday Sara Duterte, interesado sa Department of National Defense- BBM

IGINIIT ni Presidential aspirant Bongbong Marcos na interesado ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte sa Department of National Defense (DND).

Ayon kay Marcos, mismong siya ay nagulat sa interes ng kanyang ka-tandem na pamunuan ang Department of National Defense.

Welcome development naman kay Marcos ang nais ng kanyang kasamahan sa BBM-Sara uniteam para sa ikabubuti ng bansa.

Matatandaan na isang AFP reservist si Mayor Sara na may ranggong colonel at malapit ang puso nito sa sandatahang lakas at uniformed personnel.

At kung manalo siyang bise-presidente, nais ng presidential daughter na magkaroon ng mandatory military service sa mga  kabataan edad 18 taong gulang.

SMNI NEWS