First leg ng Int’l Open Water Swim Circuit, gaganapin sa Sipalay City, Negros Occ.

First leg ng Int’l Open Water Swim Circuit, gaganapin sa Sipalay City, Negros Occ.

Gaganapin sa Sipalay City, Negros Occidental ang first leg sa Four-Leg International Open Water Swim Circuit sa Pebrero 18, 2024.

Inaasahang aabot sa 150 swimmers ang sasali sa first leg.

Ayon sa ilang opisyal ng Negros Occidental, ikinatuwa nila na maging host sa event dahil isa ito sa magiging rason upang mas mai-promote pa ang Western Visayas bilang leading destination sa sports at ecotourism.

Samantala, ang second leg ay gaganapin sa Sicogon Island, Carles, Iloilo ngayong Abril 14; sa Taklong Island, Nueva Valencia, Guimaras sa Hunyo 30 naman ang third leg; habang ang fourth leg ay sa Boracay Island ngayong Setyembre 22.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble