Fixing the bunks “strive for excellence” –PMA

Fixing the bunks “strive for excellence” –PMA

IPINAKITA sa SMNI Newsteam ng kadete ng Philippine Military Academy (PMA), Baguio City ang metikulusong pagsasaayos ng kanilang higaan sa loob ng kanilang kwarto.

Sa loob ng 5-10 minuto, kailangang tapusin nang maayos at walang gusot ang kanilang higaan sa bawat araw na sila ay gigising.

Mula sa higaan, makikita ang maayos na pagsalansan sa kanilang mga uniporme, personal na gamit, mga tuwalya, parade paraphernalias at mga sapatos.

Bilang bahagi ng disiplina ng PMA, natutunan nila ang kalinisan, at kaayusan ng kanilang paligid.

Aminado ang mga kadete ng PMA na dadalhin nila ang kanilang mga natutunan sa akademya hanggang sa kanilang pag-alis sa eskwelahan hanggang sa opisyal na pag-aalay ng serbisyo sa bayan.

 

Follow SMNI News on Twitter