Pagpapadala ng sulat sa mga amang hindi nagbibigay sustento sa anak, hindi trabaho ng DSWD –DOJ

Pagpapadala ng sulat sa mga amang hindi nagbibigay sustento sa anak, hindi trabaho ng DSWD –DOJ

HINDI mandato ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapadala ng sulat sa mga amang bigong nakapagbigay ng sustento sa kanilang mga anak.

Ito ang naging pahayag ni Justice Sec. Boying Remulla kaugnay sa planong ito ng DSWD.

Paliwanag ng kalihim, nagmumukhang abogado para sa mga kabataan ang DSWD at isang demand letter ang ipapadalang sulat.

Tanging mga korte lang aniya ang pinapayagan sa ilalim ng batas para dito.

Para matulungan ang mga anak partikular na ang mga minor de edad, mas mainam na ilapit na lang ito sa Public Attorney’s Office (PAO).

Follow SMNI News on Twitter