Fleet Marine Team ng Philippine Navy, nagsagawa ng training mission sa Palawan

Fleet Marine Team ng Philippine Navy, nagsagawa ng training mission sa Palawan

UPANG mapalakas pa ang kakayanan ng Pilipinas sa pagresponde sa posibleng mga banta sa karagatan, isang pagsasanay ang pinangunahan ng Philippine Navy Fleet Marine Team sa karagatan ng Rita Island, Puerto Princesa City, Palawan nitong Lunes gamit ang MBLT 9 Red Lions Marine Amphibious Ready Unit (MARU).

Partikular na pinaghahandaan nito ang operational readiness at bolstering maritime security capabilities kasama ang Amphibious Operations Team, na binubuo ng marine companies mula sa Marine Battalion Landing Team-9 (MBLT9) at BRP Davao del Sur LD602.

Pinuri naman ng Philippine Navy ang kanilang mga tauhan dahil sa mga ipinakita nitong kakayanan lalo na sa iba’t ibang taktika gaya ng amphibious assault, beach landings, and tactical reconnaissance.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter