POSIBLENG makapag-book na ng flight at makakuha ng hotel accommodation ang mga Pilipino sa pamamagitan ng Viber.
Ayon sa Vice President, Growth Top Markets for Rakuten Viber na si Atanas Raykov, ilulunsad nila ang payment solution at travel offerings sa susunod na taon.
Sa ngayon ay nakikipag-usap na ang platform sa isang potensiyal na local partner upang maisakatuparan ang plano.
Sa kasalukuyan, 71% na ang penetration rate ng Viber sa bansa.