Focus crimes mula January – April 2023, mas mababa kumpara noong 2022—PNP

Focus crimes mula January – April 2023, mas mababa kumpara noong 2022—PNP

BUMABA ang naitatalang focus crimes mula January 1 – April 8, 2023 ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa kanilang update, 14.69% o katumbas ng 9,345 ang insidente na naitala kumpara sa 10,954 sa kaparehong taon noong 2022.

Halimbawa ng focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, at carnapping.

Sinabi ni PNP chief Rodolfo Azurin, Jr. na ang mas pinalakas na police visibility ang dahilan para mapababa ang focus crimes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter