FPRRD, nagsalita na tungkol sa karagdagang EDCA bases

FPRRD, nagsalita na tungkol sa karagdagang EDCA bases

NAGSALITA na ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kaugnay sa karagdagang EDCA bases sa bansa.

“Look, I am not for America, I am not for China, I am not for Taiwan, I am not for anybody but I am for solely the interest of my country, the Republic of the Philippines,” saad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Republic of the Philippines.

Ito ang naging pahayag ni dating Pangulong Duterte kaugnay sa ginawang pagpayag ng Marcos administration na madagdagan ang base ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa bansa.

Ang EDCA ay isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika upang palakasin ang hukbong militar nito sa bansa.

Sa kanyang programang “Gikan sa Masa Para sa Masa” kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy nitong Marso 7, binigyang-diin ng dating Pangulo na interes lamang ng bansa ang kanyang pinapanigan.

Nagbabala ang dating Pangulo na posibleng magdudulot ng kaguluhan ang pagkakaroon ng EDCA dahil nagiging bagsakan ng mga armas ng Amerika ang Pilipinas.

Pilipinas, nagiging bagsakan ng armas ng Amerika dahil sa EDCA – dating Pangulong Duterte

At kung magkaroon aniya ng gulo sa pagitan ng Estados Unidos at China dahil sa Taiwan, posibleng maging target din ang Pilipinas ng iba pang mga bansa dahil sa mga baseng ito.

“But because it is a, we are being made a platform for the arms. Hindi man sila pwedeng maglagay doon kasi airport diyan puputok na iyan eh. So dito talaga sila. And that is what made the Philippines vulnerable,” dagdag ni dating PRRD.

“Pag maraming base, and in case of war na talagang baka puputok ito, multiple targets na tayo. And you know, they do not do it by rockets and mortars. It’s going to be missiles coming in from the South China Sea or wherever from the land base facing the Philippines. Uulanan tayo ng missiles. Ako, ang akin lang tingin, huwag lang sana,”  dagdag ng dating Pangulo.

FPRRD: Lakas militar ng Pilipinas, hindi uubra vs ibang bansa

Ani Duterte, ang mga armas ng bansa ay nakalaan lamang para sa laban kontra insurhensiya at hindi upang makipaglaban sa ibang mga bansa.

Giit ng dating Pangulo, ang karagdagang armas na iniaalok ng Estados Unidos ay para sa interes ng mga Amerikano at hindi ng mga Pilipino.

“Ang ating armaments are only good to defend the country. It is not an armed forces that is geared to take to other nations, to be the aggressor. Hindi natin kaya iyan. Ang atin lang was to prevent insurgency. Iyon lang ang need ko. Ngayon, left and right noon binibili natin sa America iyan, huwag kayong maniwala na iyong sinasabi nila the additional equipments that they are giving us, it is to their national interest. And I will ask now, at whose national interest are the additional bases?” aniya pa.

Hinamon din ng dating Pangulo ang Estados Unidos na kung nais nitong maging pain ang Pilipinas ay tumbasan nito ang mga armas ng mga kalaban nitong bansa gaya ng kakayahang nuklear.

Giit ni Duterte, ipinupusta tayo ng mga Amerikano sa karagdagang EDCA bases na nais nitong ilagay sa bansa.

FPRRD sa papel ng Pilipinas sa ‘US-CH conflict:’ wala tayong kalaban

“Wala man tayong kalaban. Hindi natin kaaway ang China. Makaaway natin ang China kung ang China ay pipilitin nila, they would get Taiwan hook or by crook but America would enter into the picture to defend Taiwan and there’s going to be a war. So at whose interest now ‘yung mga military bases given to the Americans? Para sa kanila,” dagdag nito.

“You want to use us, then give us the arms that would be imparity with the arms of, equivalent with the arms of China or whoever wants to bomb us. ‘Yan na lang ang magawa. If it goes nuclear, then give us a nuclear missile,” aniya.

FPRRD sa EDCA bases: ginagamit lang ang Pilipinas para sa interes ng Amerika

“And we will not wait for you to do it for us, pinupusta mo kami, America are using us as a pawn actually. Pinupusta nila tayo diyan sa mga bases na ‘yan eh,” aniya.

Kinontra din ni Duterte ang pahayag ng Amerika na nais ng mga ito na makatulong na dagdagan ang mga gamit pang-militar ng bansa dahil aniya, sa kanyang administrasyon ay nakumpleto na ang mga ito.

“‘Yung sinasabi nilang they are contributing to the military hardwares, My God, noong umalis ako ng pagka-presidente kunumpleto ko iyon. When I said before, “I will leave the presidency and I will leave a strong military for the Philippines. Binili ko na lahat,” pahayag ng dating Pangulong Duterte.

Matatandaang naging prayoridad ng dating Pangulo ang pagpapalakas ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at isinulong ang “friend to all, enemy to none” bilang independent foreign policy ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter