FPRRD natatanging presidente na minahal ng mga pulis at military—Atty. Panelo

FPRRD natatanging presidente na minahal ng mga pulis at military—Atty. Panelo

SA mata ni Atty. Salvador Panelo, isang dating Presidential Legal Counsel ng Malakanyang, isang katotohanang hindi matututulan na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nag-iisang lider na labis na minahal at nirerespeto ng pulisya at sandatahang lakas.

Sinabi ni Panelo na walang ibang pangulo sa kasaysayan ng bansa ang lubos na minahal ng taumbayan—lalo na ng pulis at militar—kundi si Pangulong Duterte dahil sa kaniyang tunay na malasakit at walang kapantay na paninindigan para sa kapakanan ng mamamayan.

Kaya nang lapastanganin umano si Duterte ay bakas sa pagluha ng mga opisyal at ordinaryong mamamayan ang sakit na nararamdaman dahil sa paglapastangan sa tao na itinuturing na ‘ama ng bansa’.

“Hindi kataka-taka ‘yun na umiyak ang mga iyan… Mga pulis at militar na inalagaan ni FPRRD. Para kay Duterte, sila ang tagapagtanggol ng bansa,” pahayag ni Atty. Salvador Panelo, Former Presidential Legal Counsel.

“Hindi lamang ito isang pangkaraniwang relasyon ng pinuno at ng kanyang mga alagad ng batas. Sapagkat si Duterte, hindi kailanman nakalimot. Kahit sa kamatayan ng isang pulis o sundalo, naroroon siya—kasama ng pamilya, kasama sa luksa, kasama sa pagbibigay-pugay,” ayon pa kay Panelo.

Siya lang ang presidente na, sa bawat namatay na pulis at sundalo, binibisita niya. Ipinakita niya ang pagmamahal niya,” pagbibigay-diin ni Panelo.

Naniniwala rin si Panelo na gustuhin man ng mga pulis at sundalo na tulungan at proteksiyunan si dating Pangulong Duterte ay walang magagawa ang mga ito dahil tiyak na maisasakripisyo ang kanilang trabaho.

Sa kabilang banda, hindi naman matatawaran ang malawakang epekto ng mga pagsubok na ito sa mga pulis at militar. Ang kanilang mga luha ay hindi lamang emosyon—ito ang tila nagising na damdamin, isang nagbabadyang bagyo na kailangan ng gobyernong paghandaan.

“Alam niyo, ang iyak ang simula ng pagkapukaw ng kanilang damdamin upang sila ay manindigan sa ginagawa ninyong paglapastangan kay Presidente Duterte. Kung darating ang panahon… Ngayon pa lang, iba’t ibang rally sa iba’t ibang lugar,” aniya pa.

At ngayon, ang kanilang tinig ay patuloy na lumalakas. Kaliwa’t kanang pag-aalsa, pagkilos, at paninindigan ng sambayanang Pilipino—hindi na mapipigilan ang pagkadismaya sa pamumulitika laban sa mga Duterte.

Mababakas ang galit, at emosyon ng mga Pilipino para sa nag-iisa nilang Presidente na walang hangad kundi ang mapabuti lamang ang bansa na malaya sa korapsiyon, pang aabuso ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, kahirapan, at impluwensiya ng ilegal na droga. Sino ang may kasalanan? At kanino kakampi ang bayan?

Mga tanong na kailangang sagutin, sapagkat ito na ang bagong sigaw ng sambayanang Pilipino—ang paghahanap ng tunay na lider na may tapang at malasakit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble