IPINAGKALOOB ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang P360,000 grant para sa mga magsasaka sa Negros Occidental upang paunlarin ang kanilang organic vegetable farming.
Ang naturang proyekto ay naisakatuparan sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) ng ahensya.
Layunin ng CRFPS na tulungan ang ARB organizations sa lugar, kung saan ang mga produkto ay dati nang nasalanta ng mga kalamidad.
Ito’y sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang organic vegetable farm sa loob ng 6,900 square-meter lot na pag-aari ng kooperatiba.
Pinagkalooban ng ahensiya ang mga organisasyon ng mga buto ng gulay, organic fertilizer, nursery supplies, vermi worms, farm equipment, construction materials, electric pump, at iba pang accessories at labor services.