Future foods ng Thailand, tampok sa APEC 2022 sa Bangkok

Future foods ng Thailand, tampok sa APEC 2022 sa Bangkok

TAMPOK sa APEC Summit 2022 sa Bangkok ang ‘future foods’ ng Thailand.

Isa ang bansang Thailand sa Asya na mayaman sa tradisyon at kultura.

Bukod sa makulay na pamumuhay ng mga Thai, higit silang nakilala dahil sa naggagandahang lugar na tiyak na babalik-balikan, mapaturista man o maging mga lokal na residente.

Pero hindi lang dito nagtatapos ang magagandang ideya na mayroon ang mga Thai dahil pagdating sa masasarap na pagkain ay hindi sila magpapahuli kaya naman hindi nakapagtataka na isa ito sa sentro ng kanilang ekonomiya.

Kilala ang Thailand bilang “kitchen of the world” dahil sa makukulay at masasarap na pagkain na sumasalamin sa kanilang tradisyon at makulay na kultura.

At kasabay ng pagbubukas ng kauna-unahang in person APEC Economic Leaders’ Meeting sa Bangkok, isa sa mga tampok dito ang “future food presentation”.

Tinawag na future food ang mga pagkaing ito dahil sa kakaibang presentasyon, ingredients at abot-kaya ng mga lokal at banyagang turista.

Isa sa mga tampok ang cricket ice cream saan ka pa, ang ice cream na gawa sa kuliglig na may halong, rice milk, mani at gata ng niyog.

Alam mo ba na pwede ka ring pumili ng klase ng insekto bilang main ingredient sa nasabing menu.

Huwag mag-alala dahil malinis at ligtas kainin ang mga piling insekto para sa nasabing pagkain.

Follow SMNI NEWS in Twitter