Ganap na pagiging batas ng ilang panukala hinggil sa seguridad, ikinatuwa ni Sen. Dela Rosa

Ganap na pagiging batas ng ilang panukala hinggil sa seguridad, ikinatuwa ni Sen. Dela Rosa

IKINATUWA ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang ganap na pagiging batas ng ilang panukala hinggil sa seguridad.

Maraming isla sa Pilipinas ang maaaring paglagyan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) na nakagawa ng heinous crimes o malakihang krimen.

Ito ang sinabi ni Sen. Dela Rosa sa panayam ng SMNI News kasunod ng pag-“lapse into law” ng Senate Bill No. 1055 at House Bill No. 10355 o mas kilala bilang Separate Facility for Heinous Crimes Inmates Act.

Nakatutulong pa aniya ang batas para ma-decongest ang mga piitan ng bansa lalong-lalo na ang Bilibid Prison.

Kaugnay naman sa batas, magtatayo ng Maximum Facility sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Samantala, ikinatuwa rin ni Dela Rosa na ganap nang batas ang Senate Bill No. 2501 o An Act of Penalizing Willful and Indiscriminate Discharge of Firearms.

Sa ilalim ng batas, hindi na maaaring magpaputok ng mga baril ang sinuman sa anumang selebrasyon halimbawa sa Pasko at Bagong Taon.

Sakaling mahuli ang isang uniformed personnel at sibilyan na lumabag, siguradong may ipapataw sila na parusa dito.

Sa kabilang banda, naisabatas na rin ang Private Security Services Industry Act kung saan isa sa nakapaloob dito ang pagkakaroon ng training ng security guards para sa kanilang seguridad.

Follow SMNI NEWS in Twitter