Pagkamatay ng 2 Pinoy sa Dubai, isolated case; 20 Pinoy mula Sri Lanka, nakauwi na

Pagkamatay ng 2 Pinoy sa Dubai, isolated case; 20 Pinoy mula Sri Lanka, nakauwi na

ITINUTURING ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isolated case ang nangyari sa dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na natagpuang patay sa Dubai noong Hulyo 27.

Ito ang sinabi ni DFA Usec. Eduardo De Vega sa panayam ng SMNI News.

Aniya, may mga pangyayari lang talaga na hindi maiiwasan gaya ng nangyari sa dalawa.

Naibahagi naman ni DFA Asec. Paul Cortes na hindi pa naglalabas ng impormasyon ang Dubai police tungkol sa imbestigasyon na ginagawa nila kaugnay sa insidente.

Batay sa ulat, isa sa mga biktima ay mayroong sugat sa leeg.

Samantala, sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Sri Lanka, ibinahagi ni Usec. De Vega na 20 na ang nakauwing Pilipino sa Pilipinas ngunit 57 sa mga ito ang posibleng mawawalan ng trabaho dahil sa kasalukuyang krisis sa Sri Lanka.

Follow SMNI NEWS in Twitter