P21-M, kinita ng ‘Maid in Malacañang’ sa unang araw – Viva Films

P21-M, kinita ng ‘Maid in Malacañang’ sa unang araw – Viva Films

AABOT sa P21 million ang kinita ng ‘Maid in Malacañang’ sa unang araw ng pagpapalabas sa mga sinehan.

Ito ay base sa anunsyo ng Viva Films.

Dahil dito, tuwang-tuwa at nagpapasalamat si Direk Darryl Yap at iba pang mga cast ng ‘Maid in Malacañang’ sa lahat ng kanilang mga supporter.

Nagpapasalamat din si Direk Darryl sa film production company, sa pamilya Marcos na nagtiwala at pumili sa kanya para sa proyektong ito.

“Walang hanggang pasasalamat, Lord! Hindi lang sa biyaya at mga pagkakataon kundi sa mga balakid na iyong pinapahintulutan para ako ay mas tumatag at mahasa,” nakalagay sa post ni Direk Darryl.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang pamilya Del Rosario, sa kanyang pamilya at sa pamilyang Pilipino na tumangkilik sa nasabing pelikula.

Follow SMNI NEWS in Twitter