General Manager ng NFA Occidental Mindoro, sinibak ng Agri Chief dahil sa nakaimbak na palay na noong 2023 pa binili

General Manager ng NFA Occidental Mindoro, sinibak ng Agri Chief dahil sa nakaimbak na palay na noong 2023 pa binili

SINIBAK sa puwesto ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang isang general manager ng National Food Authority (NFA) sa Occidental Mindoro.

Ayon sa kalihim, ito ay matapos matuklasan ng Department of Agriculture (DA) na mayroon palang nakaimbak na saku-sakong palay na noon pang 2023 binili ng NFA sa Occidental Mindoro.

Sinabi ni Laurel, aabot sa 20,000 sako ng palay na matagal nang nasa bodega ang hinayaan sa warehouse ng sinibak na general manager.

Malinaw aniya na mayroong kapabayaan sa suplay sa Occidental Mindoro.

‘’Mayroon nga akong nakikitang napabayaan besides that may kaunti pang issues sa pagma-manage sa stocks natin doon. But, this is merely an isolated cases again out of the all regions ay ito lang ang may 2023 na rice and the actual volume of this 2023 na palay pala is 20,000 bags lang,’’ saad ni Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr.

Inihahanda na rin ng DA ang paghahain ng administrative case laban sa manager na bigong pangalanan ng kalihim.

Pagtitiyak ni Laurel na patuloy ang kanilang imbestigasyon kaugnay nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble