SINUBOK ng pagsasanay ang agarang pagtugon sa dalawang kritikal na sitwasyon: isang insidente sa loob ng eroplano at isang aksidente sa paliparan.
Isang flight mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Davao International Airport ang ginamit na senaryo.
Sa simulation, na-hijack ang eroplano at napilitang mag-divert sa Gensan International Airport.
Agad na na-activate ang komprehensibong emergency response plan ng paliparan upang masuri ang kahusayan ng komunikasyon, koordinasyon, at pamamahala ng krisis.
Pangunahing sangkot sa simulation ang mga tauhan mula sa Philippine National Police Aviation Security Unit (PNP-AVSEU), CAAP’s Aircraft Rescue and Firefighting (ARFF) Service, at ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Binigyang-diin ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo ang kahalagahan ng ganitong mga pagsasanay.
Sinabi niya na ang pangyayaring ito ay nagpapatunay sa pangako ng CAAP sa kaligtasan at seguridad.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga makatotohanang pagsasanay, tinitiyak din na ang lahat ng tauhan at ahensiya ay handa na tumugon nang epektibo sa mga tunay na emerhensiya.
“This event reaffirms CAAP’s commitment to safety and security. By conducting realistic drills, we ensure that all personnel and agencies are prepared to respond effectively to real-life emergencies. Our priority is the protection of lives while ensuring continuity in airport operations,” pahayag ni Capt. Captain Manuel Antonio L. Tamayo, Director General, CAAP.