HINDI pa tapos ang laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA 2023.
Alas-otso mamayang gabi, sasabak ang Gilas para sa isang qualification game kontra South Sudan sa Araneta Coliseum.
Ang South Sudan ay nasa ikatlong puwesto sa Group B matapos matalo sa Serbia noong Miyerkules.
Ang ikalawang laro na kailangang malampasan ng Gilas ay ang laban sa China na nasa ikaapat na puwesto sa Group B na itinakda ngayong linggo.
Kapag maipanalo ang dalawang laro, may tsansa pa ang Gilas na makapasok sa 2024 Paris Olympics.