TALO ang Gilas Pilipinas sa naging laban nila kontra Chinese Taipei sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa iskor na 91-84 nitong Huwebes, Pebrero 20, 2025.
Bagamat nag-ambag ang naturalized player na si Justin Brownlee ng 39 points ay hindi pa rin nakaya ng national team na maipanalo ang game.
Sa kabila ng pagkatalong ito ay kwalipikado na ang Gilas para sa FIBA Asia Cup ngunit sasabak pa sila sa isa pang laban kontra New Zealand sa qualifiers.
Follow SMNI News on Rumble