BIGONG makabawi ang pambato ng Pilipinas na Rain or Shine Elasto Painters sa laro kontra Chinese Taipei sa Jones Cup.
Natalo ang Elasto Painters sa iskor na 89-79 pabor sa Chinese Taipei White Team.
Bagama’t umarangkada ang koponan sa unang kuwarter ng laro, mabilis itong naungusan ng Chinese Taipei sa pagtatapos ng laro.
Sa kabuuan ng laro, nakapag-ambag ng 15 points, 9 rebounds si Ange Kouame habang nakapagbigay rin naman ng tig-11 points sina Nick Evans at Gian Mamuyac.
Matapos ang laro ng Rain or Shine kontra Chinese Taipei ay makakaharap naman ng koponan ang United Arab Emirates ngayong araw.
