PASOK sa semifinals ng 19th Asian Games ang Gilas Pilipinas.
Kasunod ito sa pagkapanalo ng koponan kontra Iran sa iskor na 84-83 sa naging game nila nitong Martes, Oktubre 3.
Pinangunahan ni Justine Brownlee ang Gilas sa pamamagitan ng 36 points, 8 rebounds at 4 assists.
Ngayong araw, Oktubre 4 ay sasabak muli ang Gilas Pilipinas sa isang laro sa pagitan ng China, alas otso ng gabi sa Hangzhou, China.