ISINUKO ng gobyerno sa puwersa ng mga banyaga ang isang Filipino citizen.
Ito ang sinabi ng pangalawang pangulo ngayong inaresto at inilipad na papuntang Netherlands kung saan ang headquarters ng International Criminal Court (ICC) ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ang kaniyang ama ay ipinapaaresto dahil sa umano’y extrajudicial killings na nangyari noong ipatupad nito ang drug war campaign habang nanungkulan bilang pangulo ng bansa taong 2016 hanggang 2022.
Binigyang-diin na rin ng pangalawang pangulo na hindi humingi si FPRRD ng asylum sa Chinese government nang bumisita ito sa Hong Kong.
Hindi rin ito nakipag-usap sa anumang opisyal ng China.
Ang pinunta aniya ng kaniyang ama doon sa Hong Kong ay para dumalo sa isang PDP-Laban rally at ‘Pasasalamat’ event ng mga OFW sa kaniya.
Follow SMNI News on Rumble