Gonzales, itinuturing na kaaway ang CPP-NPA-NDF

Gonzales, itinuturing na kaaway ang CPP-NPA-NDF

DERETSANG sinabi ni dating defense chief at presidential candidate Norberto Gonzales na kaaway nito ang mga makakaliwa at rebeldeng grupo ng CPP-NPA-NDF.

Paliwanag ni Gonzales ang paggamit ng dahas at armas para pabagsakin ang estado ng bansa ay hindi tama.

Kaugnay nito ay imininungkahi rin ni Gonzales na dapat na magkaroon ng batas sa pagde-define kung paano mabibigyan ng solusyon ang ganitong klaseng away laban sa mga rebelde.

Ani Gonzales, sa ngayon ay wala tayong batas ngunit kung magkakaroon na ay magiging maayos ito at dapat tanggapin ng ating lipunan na ang paggamit ng dahas ay hindi kinakailangan.

Ang pahayag ni Gonzales ay mula sa tanong ng isang panelist ng SMNI presidential debates 2022 kung kaibigan ba o kaaway ng mga tumaktabong kandidato ang CPP-NPA-NDF.

Follow SMNI News on Twitter