SINIBAK na sa pwesto ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang ground commander ng Manila Bay Task Force na si Director Jake Meimban.
Ito ay dahil sa pagdumog ng libu-libong tao sa dolomite beach nitong weekend.
Sa kabila ng pagsibak, pinuri pa rin ni Cimatu si Meimban sa mahusay nitong trabaho.
Sinabi ni Cimatu na papalitan si Meimban ni Reuel Sorilla bilang ground commander, OIC Director ng Environmental Law Enforcement and Protection Service.
Batay sa DENR, 121,000 katao ang nagtungo sa dolomite beach noong Oktubre bente kwatro.
PNP, ikinatuwa ang “time limit” sa pagbisita sa dolomite beach
Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang bagong panuntunan sa pagbisita sa dolomite beach sa Baywalk matapos dumagsa ang mga namamasyal noong nakaraang linggo.
Sa bagong panuntunan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ipatutupad ang “cinema approach” kung saan magbibigay ng ticket para sa dalawang oras na pagbisita sa lugar.
Upang maiwasan din ang overcrowding, ipinagbabawal sa dolomite beach ang mga 11 taong gulang pababa.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nagpapasalamat ang kapulisan sa netizens na naging mapagmatyag at matapang na nagsalita laban sa lantarang paglabag sa minimum health protocols.
Isa aniya itong malaking kontribusyon kung bakit naitama ang panuntunan sa lugar.