Halos P30M halaga ng shabu, nakumpiska sa Zamboanga City

Halos P30M halaga ng shabu, nakumpiska sa Zamboanga City

NASA mahigit-kumulang 4,400 gramo o katumbas ng 4.4 kilo ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operations sa Palawan Zone II, Brgy. Divisoria, Zamboanga City, nitong Lunes, Nov. 18, 2024.

Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng PDEA Zamboanga City Office, Regional Drug Enforcement Unit, at NISG-Western Mindanao.

Nagkakahalaga ang shabu ng halos P30M.

Kinilala ang suspek na si Ashraf Kayzar Ikbala y Julkarim a.k.a “bhar/Ak, 40, lalake, may asawa, at residente ng Aurora Village, Brgy. Tumaga, Zamboanga City.

Bukod sa ilegal na droga, nasamsam din mula sa suspek ang ilang non-drug items gaya ng plastic bag na ginamit bilang container, sling bag, paper bag, green tea bag na may label na GUANYINYANG, at boodle money.

Paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 ang isasampa sa suspek.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter