Halos P400K halaga ng marijuana nakumpiska sa isang parcel sa South Cotabato

Halos P400K halaga ng marijuana nakumpiska sa isang parcel sa South Cotabato

HALOS P400K ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska ng mga tauhan ng PDEA Region 12 sa isang warehouse sa Brgy. Glamang, Polomolok, South Cotabato noong Marso 5, 2025, dakong 10:30 ng umaga.

Nakumpiska ang naturang parcel matapos makatanggap ng intel report ang mga awtoridad kaugnay sa ilegal na drogang nagmula sa Quiapo, Metro Manila at naka-address sa isang alias na “Jayar” sa General Santos City.

Natagpuan sa parcel ang marijuana bricks na may timbang na humigit-kumulang tatlong kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P360K.

Ang operasyon ay isinagawa ng magkasanib na puwersa ng PDEA Sarangani Provincial Office, PDEA Regional Special Enforcement Team, PDEA South Cotabato PO, PDEA Seaport and Airport Interdiction Units, Philippine Coast Guard Intelligence Group Southern Mindanao, at Polomolok Municipal Police Station.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng nagpadala at tagatanggap ng nasabing parcel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble