Halos P487M halaga ng shabu at marijuana, sinira ng PDEA

Halos P487M halaga ng shabu at marijuana, sinira ng PDEA

UMABOT ng halos P487M (P486,821,652) ang halaga ng sinirang shabu at marijuana ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Trece Martires City, Cavite.

Katumbas ito ng 65,165.8 grams ng shabu; 0.1100 ml ng liquid shabu; at 234,913.7 grams ng marijuana.

Ang mga sinirang shabu at marijuana sa pamamagitan ng thermal decomposition noong Nobyembre 15, 2024 ay nasabat mula sa iba’t ibang anti-drug operations subalit hindi na kinakailangan bilang ebidensiya sa korte.

Sa pagsira nito ay present ang mga representative ng Department of Justice (DOJ); Department of the Interior and Local Government (DILG); local officials ng Brgy. Aguado, Trece Martires City; non-government organizations; at ilang myembro ng media.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble