“HAPAG” Barangay Project ng DILG, ilulunsad ngayong araw

“HAPAG” Barangay Project ng DILG, ilulunsad ngayong araw

PANGUNGUNAHAN ni Interior Secretary Benhur Abalos, mga government agencies at LGU, ang paglulunsad ng ‘HAPAG’ Project ng pamahalaan.

Ang HAPAG o “Halinat Magtanim ng Prutas at Gulay” ay isang proyekto na layong suportahan ang kakulangan ng suplay ng pagkain gaya ng gulay, prutas at mga pangunahing pagkain ng pamilyang Pilipino.

Nakapaloob sa nasabing proyekto ang paghikayat sa lahat ng mga barangay sa bansa na humanap ng bakanteng lupa para pagtamnan ng iba’t ibang uri ng punongkahoy, gulay at prutas.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), malaking tulong ito sa pang araw-araw na pangangailangan ng barangay at kalauna’y magsilbing hanapbuhay o pagkakakitaan ng mga residente nito.

Ilulunsad ang proyekto sa Brgy. Holy Spirit Quezon City habang inaasahan ang pagdalo ng mga barangay kapitan sa buong Metro Manila, mga alkalde at mga ahensiya ng pamahalaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter