Headquarters ng Centrum Fuel, pinasinayaan kasabay ng paglunsad ng Renato-Milagros Ferrer Foundation sa Pangasinan

Headquarters ng Centrum Fuel, pinasinayaan kasabay ng paglunsad ng Renato-Milagros Ferrer Foundation sa Pangasinan

PINASINAYAAN ang bagong headquarters ng Centrum Fuel at ng Rael Kitz Corporation sa bayan ng Calasiao, Pangasinan nitong Linggo, Oktubre 22 kasabay sa paglunsad ng Renato-Milagros Ferrer Foundation.

Sinalubong ng fireworks at lightings ng building ang blessing at dedication ng bagong gusali ng RRF Corporate Center kung saan ibabahay ang bagong headquarters ng Centrum Fuel at Rael Kitz Corporation sa Calasiao, Pangasinan.

Kasabay rin sa kaganapan ang paglunsad ng Renato-Milagros Ferrer Foundation na tututok sa mga dati nang ginagawang social responsibilities ng kompanya.

Sa exclusive interview ng SMNI News North Luzon, ayon kay Centrum Fuel President Medzhid Rael Ferrer, nagsimula ang Centrum Fuel noong taong 1978 sa iisang gasoline station sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan na itinayo ng ama nito.

“From 1978 na isang istasyon po sa maliit na bayan ng Mangatarem, ngayon ay mayroong 145 Centrum Fuel Stations na across Region 1, 2, and 3,” ayon kay Medzhid Rael Ferrer, President, Centrum Fuel.

Bukas para sa franchising ang Centrum Fuel kung saan aniya sa 145 na gasoline stations, 123 dito ay pagmamay-ari nila at ang natitira ay franchise o partners.

Isa sa ipinagmamalaki ni Ferrer sa kanilang gas station ang magandang serbisyo, malinis na palikuran na may maaliwalas na bentilasyon.

Binanggit naman ni vice President Allan Kitz Ferrer ang kaugnay sa logo ng Centrum Fuel, aniya may ibang kahulugan ang letrang ‘‘C’’ at ang star na nakakabit dito taliwas sa inaakala ng iba.

“Ang pinakaimportante is ‘yung logo namin C and the star. Baka akalain niyo po ang ‘‘C’’ is came from its name ‘‘Centrum’’ which is not. Ang ‘‘C’’ po diyan ay ‘yung laging pinagkakaisahan naming magkakapatid is Christ Jesus at ang ‘star’ sya po ang star ng aming pamilya,” aniya Allan Kitz Ferrer, Vice President, Centrum Fuel.

Kaugnay naman sa bagong lunsad na Renato-Milagros Ferrer Foundation, ayon kay Rael Ferrer, dati na nilang ginagawa ang pagtulong sa komunidad bilang kanilang social responsibilities.

Kabilang sa kanilang mga programa ang pagtanggap ng mga scholar, medical mission at pangangalaga sa kapaligiran.

“Dati na nating ginagawa ang tumanggap ng mga scholars so marami na tayong naipa-graduate na mga scholars.”

“We also do medical missions with the help of our very own Dr. Ferrer Roswena ‘yung kapatid ko at saka ‘yung very new sa amin ‘yung para sa environment. We are tasked to reforest a mountain in along Daang Kalikasan in Mangatarem, Pangasinan,” ayon pa kay Medzhid Ferrer.

Dahil sa patuloy na paglago ng Centrum Fuel, kasalukuyan silang naghahanap pa ng karagdagang lugar para pagtayuan ng dagdag na gasolinahan lalo na sa bahagi ng Central Luzon.

Kung ipahintulot ng Diyos ani Ferrer, lalawig pa sa buong bansa ang kanilang Centrum Fuel Stations.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

k