PINANGUNAHAN ni Northern Luzon Command LtGen. Fernyl Buca ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa nakatakdang pagdaraos ng Barangay at SK Elections (BSKE) ngayong Oktubre.
Sa kaniyang pagdalo sa katatapos lang na Joint Peace and Security Coordinating Committee sa Tarlac, sinabi ni LtGen. Buca na nakahanda ang buong puwersa ng North Luzon Command sa pagbabantay sa buong proseso ng halalan.
Katuwang ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard at COMELEC, tiniyak nla na sapat ang kanilang deployment at augmentation plan lalo na sa mga liblib na lugar sa North at Central Luzon hanggang sa araw ng botohan.
Sa ngayon, batay sa datos ng PNP, nananatili pa ring nasa 27 ang kanilang naitala bilang nasa area of concerns sa gitna ng paghahanda ng pamahalaan sa nalalapit na BSKE 2023.