Unang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa Thailand si Public Health Minister Anutin Chranvirakul kasabay ng pagsisimula ng mass vaccination sa bansa.
Tinanggap ni Anutin ang bakuna kahapon ng alas syete-trenta ng umaga sa Bamrasnaradura infectious diseases institute sa tivanon road sa Nonthaburi.
Ang shot na tinanggap ng pinuno ng kalusugan ay pinamahalaan ni Dr. Yong Poovorawan, isang medical professor sa Pediatric Hepatology sa faculty ng medisina sa Chulalongkorn University.
Ang bakunang ito ay gawa ng China at kilala bilang CoronaVac vaccine na dinevelop ng Sinovac Life Sciences na kilala namang ligtas sa mga indibidwal na may edad labingwalo hanggang limamput siyam.
Maliban kay Anutin, nakatanggap rin ng bakuna sina Deputy Public Health Minister Sathit Pitutecha, Culture Minister Attipol Khunplome, Deputy Agriculture and Cooperatives Minister Chalermchai Sri-on, Deputy Education Minister Kanokwan Wilawan at Permanent Secretary for Health Dr Kiatiphum Wongrajit.
Ayon sa mga eksperto, dahil animnaput anim na ang edad ni Prime Minister Prayuth Chan-o-cha hindi siya maaaring tumanggap ng unang shot ng bakunang ito.