Heavy traffic sa bahagi ng Valenzuela, inaasahan sa pagsisimula ng Metro Manila Subway Drainage Relocation Project

Heavy traffic sa bahagi ng Valenzuela, inaasahan sa pagsisimula ng Metro Manila Subway Drainage Relocation Project

INAASAHAN na ng Valenzuela City government na makararanas ang mga motorista ng masikip na daloy na trapiko sa bahagi ng Northbound Lane ng Mindanao Avenue na sakop ng Brgy. Ugong sa Lungsod.

Ito aniya ay dahil sa pagpapatuloy ng Department of Transportation (DOTr) Metro Manila Subway Drainage Relocation Project.

Nabatid na sisimulan ang naturang proyekto ngayong araw na magtatagal ng hanggang dalawang buwan o May 7, 2004.

Dahil diyan ay pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta para iwas-abala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble