Hepe ng HSS na sumagip kay dating Sen. Leila de Lima, pinarangalan

Hepe ng HSS na sumagip kay dating Sen. Leila de Lima, pinarangalan

PINARANGALAN ng Philippine National Police (PNP) si Headquarters Support Service (HSS) chief Police Colonel Mark Pespes.

Personal na iginawad ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. kay Pespes ang Medalya ng Kadakilaan sa flag raising ceremony sa Camp Crame.

Matapang na ginampanan ni Pespes ang kanyang trabaho sa pagsagip kay dating Senador Leila de Lima na hinostage ng miyembro ng Abu Sayyaf Group na si Feliciano Sulayao.

Si Sulayao ay nagtangkang tumakas sa PNP Custodial Center kahapon.

Nabatid na binaril ni Pespes si Sulayao nang humingi ito ng tubig dahilan para mailigtas si De Lima sa kamay ng Abu Sayyaf.

Follow SMNI NEWS in Twitter