Higit 1-M Moderna vaccine at higit 300K ng Pfizer vaccine, dadating ngayong araw

Higit 1-M Moderna vaccine at higit 300K ng Pfizer vaccine, dadating ngayong araw

NASA kabuuang 1,353,800 dosis ng Moderna vaccine na binili ng Pilipinas ang nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa.

Ang mga naturang bakuna ay sakay ng China Airlines Flight CI703 na iniaasahang lalapag ng alas kwatro ng hapon sa Terminal-1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Habang pasado alas 9:00 naman mamayang gabi ang pagdating ng nasa kabuuang 301,860 dosis ng Pfizer vaccine na donasyon ng US government sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Ang mga naturang bakuna ay sakay ng Air Hong Kong Flight LD456 at inaasahang lalapag sa NAIA Terminal-3.

Matatandaan nitong Sabado lamang ay dumating ang nasa kabuuang 1,279,000 dosis ng Moderna vaccine na binili naman ng Pilipinas.

Ipinagmamalaki naman ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Assistant Secretary Wilben Mayor ang makailang beses nang nakamit ng bansa ang makapagturok ng isang milyong dosis.

Binati naman ni Mayor ang mga local government units (LGUs) partikular na sa Baguio at Iloilo dahil sa kanilang pagtaas ng vaccination upang makamit ang mataas na inoculation rate.

Sa ngayon nasa kabuaang 123,258,340 COVID-19 vaccine dosis na ang tinanggap ng Pilipinas simula Pebrero ng kasalukuyang taon.

BASAHIN: Takeda Pharma sa Japan, nag-aplay para sa pag-apruba ng Moderna booster shots

SMNI NEWS