Higit 377-K PUV drivers, benepisyaryo ng fuel subsidy

Higit 377-K PUV drivers, benepisyaryo ng fuel subsidy

IBINAHAGI ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na daan-daang libong drivers ng mga pampublikong sasakyan ang benepisyaryo ng fuel subsidy na nakatakdang ipamahagi ng pamahalaan.

Gumagawa na ang pamahalaan ng mga hakbang sa gitna ng magkakasunod na taas presyo ng produktong petrolyo dahil sa nagaganap na tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Minamadali na ng Department of Budget and Management (DBM) ang proseso sa paglalabas ng pondo para sa fuel subidy ng public utility vehicle (PUV) drivers na lubos na naapektuhan ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Kaugnay nito, sinabi ni LTFRB Executive Director Kristina Cassion na target ng pamahalaan na ngayong buwan ng Marso mairi-release na ang badyet.

Ani Cassion, oras na  mai-download na ng DBM ang funds at mailalabas na ang pondo ay makapag-distribute na kaagad ang LTFRB sa mga benepisyaryo nito.

Mahigit 377,000 beneficiaries ang makatatanggap ng fuel subsidy mula sa gobyerno.

Saklaw dito ang PUJ, public utility buses, UV express vans, taxis, TNBS, tricycles at deliveries.

Tiniyak naman ng LTFRB na makararating sa mga driver ang naturang subsidiya.

Samantala, iniulat ng DBM na posibleng ngayong linggo o sa unang bahagi ng susunod na linggo ay mailabas na ng ahensya ang pondo para sa fuel subsidy ng mga PUV driver.

Kasabay nito ang paghingi ni DBM Acting Secretary Tina Rose Canda ng kaunting pasensya dahil mayroon lamang aniya talagang batas na kailangang sundin, bago mailabas ang kinakailangang badyet.

Sa ilalim ng 2022 national budget, nasa P2.5 billion ang inilaan ng gobyerno para sa fuel subsidy program ng Department of Transportation (DOTr).

Saysay ng LTFRB,  hindi bingi at hindi  bulag ang national government sa nararamdaman at nararanasan ngayong hirap ng operators at drivers sa harap ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Follow SMNI News on Twitter