Higit 400 retailers, resellers sa bansa, nagbebenta ng illegal vape products

Higit 400 retailers, resellers sa bansa, nagbebenta ng illegal vape products

NASA 408 vape retailers at resellers sa buong bansa ang nadiskubreng nagbebenta ng ilegal na vape products ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Partikular na nadiskubre ito sa pamamagitan ng isinagawang nationwide raid noong Oktubre 16, 2024 sa Manila, Quezon City, San Juan City, Makati City, Las Piñas City, at Pasay City.

May nadiskubre din sa Bulacan, Pangasinan, Benguet, Isabela, Laguna, La Union, Albay, Iloilo, Cebu, Bohol, Leyte, Bukidnon, Misamis Oriental, Surigao del Norte, Butuan, Agusan del Sur, South Cotabato, Davao, Negros Occidental, Negros Oriental, at Ilocos Sur.

Ang pinakamadalas na paglabag ng mga ito ay ang kawalan ng internal revenue stamps at kakulangan ng BIR registration para sa vape products.

Isinailalim na sa inventory ang mga nasabat na vape products.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble