Higit 800 kawani ng MIAA, sinimulan nang bakunahan kontra COVID-19

Higit 800 kawani ng MIAA, sinimulan nang bakunahan kontra COVID-19

SINIMULAN nang bakunahan kontra COVID-19, ang higit 800 kawani ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Maaga pa lang nakapila na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4, ang mga manggagawa na tatanggap ng first dose ng Sinovac vaccines.

Target ng MIAA na mabakunahan  ngayong-araw ang 833 permanent at contractual personnel.

Ayon sa MIAA Media Affairs Division Office (MADO) may 3,000 na mga contractual at 2,000 naman na mga organic employees ang MIAA na kailangang mabakunahan.

Una na ring nabakunahan kontra COVID-19 ang 1,200 na mga kawani ng MIAA kasabay sa pagbakuna ng mga tauhan ng iba’t ibat ahensya ng pamahalaan na miyembre ng One Stop Shop (OSS) sa NAIA.

Inasahan ngayong araw darating si MIAA General Manager Ed Monreal at iba pang opisyal para saksihan ang pagbakuna kontra COVID-19 sa mga manggagawa ng MIAA.

Matatandaan nitong nakaraang buwan nagsagawa na rin ng pagbabakuna sa mga frontliner ng One Stop Shop sa MIAA.

 

Isinagawa rin sa NAIA Terminal 4 na umabot sa 7,000 na mga kawani.

Binubuo ng iba’t ibang mga ahensya ang One Stop Shop na umaasiste sa mga dumarating na pasahero  OFW at non-OFW sa paliparan.

Bukas ang bakunahan kontra COVID-19 sa NAIA T-4 hanggang alas 3:00 ng hapon ngayong araw.

SMNI NEWS