HINDI pinagbigyan ng korte ang urgent motion ng kampo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na maibalik sa PNP Custodial Center.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, ito’y dahil sa nailipat na si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory.
Matatandaang, nailipat na si Guo sa pasilidad ng BJMP kasama ang mahigit 40 mga persons deprived of liberty (PDL).
Sa panig ng BJMP, mananatili sa kanilang kostudiya si Guo hangga’t walang bagong utos sa kanila ang korte hinggil dito.
Una rito, nakitaan ng impeksiyon ng PNP sa kaniyang kaliwang baga ang dating alkalde na sanhi umano ng kaniyang ubo at sipon subalit lumabas naman sa resulta ng pagsusuri ng BJMP na negatibo ito sa tuberculosis.