MULING nagkaroon ng pagpupulong ang Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection (CIDG) at mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.
Si Nanay Carmen, 74 years old ang isa mga pumunta sa pulong.
Ang kaniyang anak na si Edgar ay isa sa 34 sabungero na hanggang ngayon ay nawawala matapos itong pumunta ng sabong sa Lipa Batangas noong Enero.
Sa tagal na nang tinatakbo ng panahon ay hirap pa rin aniya silang makakuha ng hustisya.
Pakiusap na lang nito sa utak ng kirmen na pakawalan na ang anak niya.
Ang DOJ itinanggi na deadma sa Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos, Jr. ang pagkawala ng mga sabungero.
Saad ng kalihim, bubuo na sila ng tracker team para sa paghahabol sa mga 6 suspek na mayroon nang warrant of arrest.
Aminado naman si Remulla na walang trace sa pagkawala ng mga sabungero at nangangailangan ng sapat na ebidensiya para mayroong masakdal sa pagkawala ng mga ito.
Ang pamilya ng biktima ay nakaramdam ng pag-asa sa mga sinabi ng DOJ.