SINIMULAN na ng Department of Justice (DOJ) ang proseso para sa rekomendasyon na maideklarang terorista si suspended Congressman Arnie Teves, Jr. para ito ay mapadeport mula sa bansang pinagtataguan nito.
Sa anunsiyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nagkausap na sila ng Anti-Terrorism Council para sa rekomendasyon nito na maideklarang terorista si Teves para ito ay mapasuko.
Ito ay matapos ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa 8 iba pa noong March 4 kung saan si Teves ang lumulutang na utak sa pamamaslang.
Maliban kay Teves, 3 indibidwal pa ang gustong maideklarang terorista ng DOJ na kasama umano sa Teves Criminal Group.
Kapag naideklarang terorista na si Teves, posible ang kaniyang deportasyon mula sa bansa na pinagtataguan nito.
Maliban pa riyan, malapit na rin aniya makasuhan ang kongresista.
Ayon kay Remulla, multiple murders, multiple frustrated murders at multiple attempted murders ang isasampa laban kay Teves.