Holiday ceasefire sa mga kalaban ng bansa, ipinauubaya na ng PNP sa gobyerno

Holiday ceasefire sa mga kalaban ng bansa, ipinauubaya na ng PNP sa gobyerno

IPINAUUBAYA ng Philippine National Police (PNP) sa gobyerno ang pagdedeklara ng tigil-putukan sa New People’s Army (NPA) ngayong holiday season.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., nakahanda silang tumalima kung anuman ang maging desisyon ng gobyerno bilang tagapagpatupad ng batas.

Sinabi ni Azurin na palagi silang nagrerekomenda ng ceasefire sa mga rebelde lalo na tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

Pero madalas aniya itong nilalabag ng mga kalaban ng gobyerno at nagsasagawa pa rin ng pagkilos.

Umapela naman si Azurin sa NPA na sundin kung magdedeklara man ng tigil-putukan ang gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter