HORI7ON, magkakaroon ng music comeback sa susunod na buwan

HORI7ON, magkakaroon ng music comeback sa susunod na buwan

MAGKAKAROON ng music comeback sa susunod na buwan ang South Korea-based Pinoy group na HORI7ON.

Ang digital single nila na may pamagat na “Daytour” ay partikular na ilalabas sa Marso 2, 2024, noontime ayon sa MLD Entertainment.

Magkakaroon naman sila ng comeback showcase sa Maynila sa kaparehong araw ng music release at magsasagawa rin ng mall tour kasama ang SM Supermalls.

Hulyo 2023 nang ilabas ng grupo ang kanilang debut album na may pamagat na “Friend-Ship.”

Mula dito, sa 8th Philippine Pop-PPOP Awards ay nanalo ito bilang Top Global Artist of the Year habang sa 2023 Asia Artist Awards ay nakuha nito ang AAA Focus Award.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble