ika-2 SONA ni PBBM, mapayapa—PNP

ika-2 SONA ni PBBM, mapayapa—PNP

MASAYA ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa maayos na pagdaraos ng ulat sa bayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Batasan Pambansa.

“Walang untoward incident”

Ganito isinalarawan ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr ang pagdaraos ng ikalawang SONA ni Pangulong Marcos sa Batasan Pambansa.

Mula alas sais ng umaga hanggang sa pagtatapos ng SONA ay walang naitalang anumang insidente o banta sa seguridad para sa nasabing SONA.

Bagay na ikinatuwa ito ng buong hanay ng PNP.

“Tila imposible nga din naman na makalusot ang sinumang magtatangkang manggulo dahil sa higpit ng latag ng seguridad ng PNP partikular na sa kahabaan ng Commonwealth,” ani PGen. Benjamin Acorda Jr., Chief, PNP.

Sa katunayan, bigo ang ginawang pagtatangka na lumusot sa checkpoint ang isang nagpakilalang mga miyembro ng August Twenty One Movement (ATOM) Group nang harangin ang mga ito ng PNP sa bahagi ng Luzon Bridge, Tandang Sora, Commonwealth Avenue.

Napansin kasi ang pagwawagayway nito ng kanilang bandila habang binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Ayon sa grupo, hindi sila magrarally at may pupuntahan lang umano na kakilala sa Fairview bagay na benerepika muna ito ng mga awtoridad hanggang sa hindi na pinatuloy ang nasabing grupo.

Ayon naman kay NCRPO chief Police Brigadier General Melencio Nartatez, maituturing na mapayapa ang mga pagkilos ng militanteng grupo kung saan wala silang naitalang anumang gulo o karahasan.

Samantala, patuloy na pinapaalalahanan ng PNP ang publiko partikular na sa NCR, Region 3 at CALABARZON na mananatili pa rin ang implementasyon ng gun ban hanggang mamayang hatinggabi.

Nagpasalamat naman ang buong hanay ng PNP sa pakikipagtulungan ng publiko, mga militante at puwersa ng pamahalaan para sa matiwasay na SONA ng Pangulo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble