Ika-57th anniversary ng Lang-ay Festival sa Mountain Province, ipinagdiriwang

Ika-57th anniversary ng Lang-ay Festival sa Mountain Province, ipinagdiriwang

MASAYANG nakiisa ang iba’t ibang sektor sa Mountain Province para sa kanilang taunang pagdiriwang ng Lang-ay Festival.

Ngayong araw ng Lunes, April 1, 2024, opisyal na nagsimula ang kanilang 10 araw na selebrasyon ng ika-57 taong pagkakatatag ng Lang-ay Festival.

Bukod sa civic parade, magkakaroon din ng cultural shows, at pagbibigay ng pagkilala sa mga natatanging indibidwal at grupo na nagkaroon ng kontribusyon sa pag-unlad ng probinsiya.

Ang “Lang-ay” ay native dialect na ang ibig sabihin ay salu-salo, pagsasama-sama ng pamilya, hospitality, kapayapaan at pagkakaibigan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter