Ilang ahensiya ng pamahalaan, imbitado sa exit conference para sa UN Rapporteur na si Irene Khan bukas

Ilang ahensiya ng pamahalaan, imbitado sa exit conference para sa UN Rapporteur na si Irene Khan bukas

SA pagtatapos ng 10-day tour sa bansa ng UN Special Rapporteur na si Irene Khan, isang exit conference ang inihanda ng pamahalaan dito sa araw ng Biyernes Feb. 2, 2024.

Pangangasiwaan ito ng Department of Foreign Affairs kung saan dadaluhan ito ng mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan na una nang kinausap ni Khan.

Ang bawat ahensiya ay inaasahang maglalahad ng kanilang mga repleksiyon mula sa mga napag usapan nga mga ito sa pagitan nina Khan partikular na sa pagtugon sa mga pangunahing isyu ng bansa gaya ng human rights, malayang pamamahayag at iba pa.

Tiniyak naman ni Presidential Task Force on Media Security Chief Paul Gutierrez na naging maayos naman ang pagdating ni Khan sa bansa hanggang sa pag-alis nito kasabay ng pagsisiguro na nakuha nito ang mga kailangang impormasyon at datos sa mga isyu na nais nitong malaman sa Pilipinas.

Matatandaang, naging bukas na ang pamahalaan na papasukin ang international community sa bansa para sa nais nitong pagtatanong kaugnay sa estado ng human rights, freedom of expression at media security ng bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter