Ilang kalsada sa Maynila, magsasara sa araw ng Bar Exam—Manila LGU

Ilang kalsada sa Maynila, magsasara sa araw ng Bar Exam—Manila LGU

NAGPALABAS ng abiso ang Manila LGU sa mga isasarang daan sa tatlong araw na Bar Examinations.

Ang road closures ay gagawin sa Setyembre 17, 20 at 24 kung saan mula 3:30 am hanggang 9 am at 3:30 pm hanggang 7 pm ay isasara ang Dapitan St. mula Lacson Avenue patungong Padre Noval St.

Maging ang España Boulevard west bound mula Lacson Avenue patungong Padre Noval St.

Mula naman 2 am hanggang 7 pm,

sarado ang Legarda St. eastbound, mula San Rafael St. patungong Mendiola St. Mendiola St.

Gayundin ang dalawang lanes mula Mendiola St. hanggang Jose Laurel St.

Ayon sa LGU, asahan na ang matinding pagsisikip ng trapiko sa mga naturang petsa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble